Alinsunod sa direktiba ni Governor Mamintal Al. Adiong, Jr., naghatid ng tulong ang PSWDO, sa pangunguna ni Officer-in-Charge Monaima A. Adiong, sa mga pamilyang nasalanta ng baha sa Ditsaan-Ramain at Bubong dulot ng malakas na ulan noong gabi ng Abril 14, 2025 (Lunes).

Punong-puno ng pasasalamat ang mga pamilyang nabigyan ng 10 kilong bigas at mga food packs sa maagap na serbisyong ipinaabot sa mga barangay na apektado ng baha.