Nagsagawa ngayong araw ang Provincial Social Welfare and Development Office – Lanao del Sur ng relief operation sa labing-isang (11) pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay Bacong, Marantao, Lanao Del Sur. Ang nasabing sunog ay nangyari umaga ng March 19, 2025.

Nakatanggap ang mga apektado ng dalawang sako ng 10 kilos ng bigas, hygiene kit, comfort kits, kitchenwares, food packs, at prayer kits.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Provincial DRRM Office – LANAO DEL SUR.

Samantala, nagsagawa naman ng panayam si Social Welfare Officer II Hidhaya M. Tanog kasama ang ilan sa mga biktima upang alamin ang kanilang kalagayan maging ang naging rason ng sunog.