Sa pagtutulungan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ay naipagkaloob ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng buhawi sa Munisipalidad ng Wato Balindong, at ng sunog sa Munisipalidad ng Kapatagan. Bawat pamilyang benepisyaryo ay tumanggap ng 10 kilong bigas, hygiene kits, comfort kits, at mga gamit sa kusina bilang bahagi ng kanilang emergency assistance.

Ang inisyatibong ito na pamamahagi ng tulong ay bahagi ng patuloy na pagsuporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga nasalanta ng anumang kalamidad upang makabangon muli sa gitna ng pagsubok. Isa lamang ito sa mga inisyatibo ng PLGU Lanao del Sur para sa diwa ng pagkakaisa at pagpapakita ng malasakit para sa mga mamamayan nitong lubos na nangangailangan.