Ngayong Banal na Buwan ng Ramadhan na siyang buwan ng pagkakaisa at pagbibigayan ay matagumpay na naisagawa ang Ramadhan Rice Distribution sa mga munisipalidad ng Buadipuso Buntong, Bubong, Kapai, at Tagoloan sa ilalim ng pamumuno at direktiba ni Governor Mamintal Al. Adiong, Jr. sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office ng Provincial Government of Lanao del Sur.
Ang programang ito ay nakatuon sa pagtulong sa ating mga Imam, Bilal, at Jamah sa bawat Masjid bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa paggabay at paglilingkod sa ating komunidad, lalo na sa panahon ng banal na buwan ng pag-aayuno. Sa simpleng handog na ito, hangad ng pamunuan ng Provincial Government of Lanao del Sur na makatulong sa isang bahagi ng kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Lubos ang pasasalamat ng tanggapang ito sa lahat ng nag-ambag at nakiisa upang maisakatuparan ang distribusyong ito. Nawa’y ipagpatuloy natin ang diwa ng pagbibigayan at pagkakaisa, hindi lamang ngayong Ramadhan kundi sa bawat pagkakataong makapagbahagi tayo ng biyaya sa ating kapwa.










