Nagbigay ng technical assistance ang ating AI Technician na si Morgan Modayao Jr. sa Brgy. Tiowi, Butig. Sa kabila ng holiday, naglaan siya ng oras upang matulungan ang isang baka na dalawang araw nang hindi mailuwal ang kanyang anak. Sa kasamaang palad, patay na ang isinilang na guya dahil sa matagal na pananatili nito sa loob ng sinapupunan.
Bukod dito, nagbigay rin siya ng mga kinakailangang gamot para sa iba pang mga baka sa lugar upang matiyak ang kanilang kalusugan.
Lubos ang aming pasasalamat kay Sir Morgan sa kanyang dedikasyon sa pagtulong sa ating mga kababayang nangangailangan ng veterinary assistance. Patuloy ang Provincial Veterinary Office of Lanao del Sur (PVO) sa pagbibigay ng suporta sa livestock sector para sa mas maunlad at mas malusog na alagang hayop.





