Alhamdulillah!

Bilang parte parin ng mga programa nitong banal na buwan ng Ramadan, namahagi ang Provincial Government of Lanao del Sur, ng mga kutson sa iba’t ibang toril. Mahigit kumulang 430 ang naipamahagi sa pakikipagtulungan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) at ng Tanggapan ng Gobernador.

Ang nasabing proyekto ay naging matagumpay dahil sa suporta nina Governor Mamintal “Bombit” Alonto Adiong Jr. at Vice Governor Mohammad Khalid “Mujam” Raki-in Adiong. Ang mga kutson ay magbibigay ng kaginhawahan sa mga naninirahan sa mga toril. Ipinakita ng proyekto ang pagkakaisa at malasakit ng lokal na pamahalaan sa kanilang mga nasasakupan, lalo na sa panahon ng pagsubok.