Isang makasaysayang araw para sa Lanao del Sur! Sa pagbubukas ng Level 1 Marker para kay Datu Amai Pakpak, ating pinarangalan ang kanyang kabayanihan at dakilang pamana. Isang lider na tunay na Meranaw: matapang, marangal, at makabayan.

Ang marker na ito ay simbolo lang, pero ang alaala at diwa ni Datu Amai Pakpak ay buhay na buhay pa rin para sa atin. Patuloy nating dalhin ang kanyang legacy sa bawat hakbang para sa pagkakaisa at kapayapaan ng ating lalawigan!

Gusto ko rin pong bigyang-pugay ang ating mga kapulisan na naka-assign dito sa atin. Dahil sa inyo, nananatiling maayos at payapa ang ating lugar.

Mabuhay ang ating kasaysayan. Mabuhay si Datu Amai Pakpak!