Alhamdulillah! Isang makabuluhang araw ang ating nasaksihan sa isinagawang mass oath taking ceremony ng lahat ng elected officials ng Lanao del Sur, kung saan ating pinagtibay ang pangakong maglilingkod nang tapat at buong puso sa ating mga nasasakupan.

Lubos po ang aking pasasalamat at pagpupugay sa ating Interim Chief Minister Hon. Abdulraof โ€œSammy Gambarโ€ Macacua, sa kanyang pakikiisa at pagbabahagi ng isang mensaheng puno ng inspirasyon, isang paalala ng kahalagahan ng tunay na serbisyo, pagkakaisa, at pag-asa para sa buong

Bangsamoro.

Sa pangunguna ni Governor Mamintal โ€œBombitโ€ Alonto Adiong Jr., bilang mga lingkod-bayan, batid naming hindi lamang ito simpleng panunumpa, ito ay pagtanggap sa isang mahalagang tungkulin at pananagutan upang isulong ang layuning nais ipagpatuloy ng bawat isa tungo sa kaunlaran, matatag na kapayapaan at pagkakaisa para sa Bangsa Ranaw.

Sa gabay ng Allah (SWT) at sa pagtutulungan ng bawat isa, magsisilbi tayong instrumento ng pagbabago, tulay ng pag-unlad, pagkakaisa, at tuloy-tuloy na asenso para sa buong Lanao del Sur at ng Bangsamoro region.