Dumalo si Dr. Al-Hussein O. Domaot ng Provincial Veterinary Office of Lanao del Sur sa tatlong araw na aktibidad na inorganisa ng Bureau of Animal Industry: ang โFoot and Mouth Disease (FMD) Preparedness Guidelines Public Consultationโ noong May 7, 2025, at ang โFMD Coordinatorsโ Meetingโ noong May 8โ9, 2025 sa Davao City.
Ang konsultasyon ay naglalayong suriin ang draft FMD Preparedness Guidelines sa tulong ng mga eksperto mula sa livestock sector sa buong Mindanao. Tinalakay rin sa Coordinatorsโ Meeting ang global at regional updates tungkol sa FMD, gayundin ang mga kasalukuyang hakbang at preparedness activities ng mga local animal health authorities. Kasama rin sa programa ang retooling session na layuning palakasin ang kapasidad ng frontline personnel sa pagtugon sa FMD outbreaks.









