Matagumpay na naisagawa ang unang araw ng Libreng Spay and Neuter, Rabies Vaccination, at Pet Education Program na inorganisa ng Provincial Veterinary Office of Lanao del Sur (PVO-LDS) katuwang ang PAHA, AKF, PVMA, at Vets Love Nature.

Kabuuang 270 aso at pusa ang nahandugan ng libreng spay at neuter. Bukod pa rito, marami rin ang nabigyan ng libreng rabies vaccine, consultation, gamot, at pet tools para sa kanilang recovery. Isang malaking hakbang ito tungo sa mas responsableng pet ownership at mas ligtas na komunidad.

๐—”๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป! Bukas (June 29, 2025) ang ๐——๐—”๐—ฌ ๐Ÿฎ ng programa! Magsisimula ito ng 7:00 AM hanggang 12:00 NOON lamang. Huwag kalimutang dumating nang maaga at dalhin ang QR Code (printed or screenshot) para ma-accommodate ang inyong mga alagang hayop.

Maraming salamat po sa lahat ng dumalo at sumuporta sa aktibidad na ito na naglalayong isulong ang kapakanan ng ating mga alaga at ng buong komunidad!