Personal akong nagtungo sa bayan ng Wao, Lanao del Sur upang makita at suriin mismo ang naging epekto ng 4.9 magnitude na lindol na yumanig sa lugar. Kasama ko ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at ang Provincial Engineer’s Office upang kumustahin ang kalagayan ng ating mga apektadong kababayan at masusing tignan ang mga nasirang establishments dulot ng pagyanig.

Sa aking pagbisita, nakipagpulong ako sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at sa pamahalaang lokal ng Wao, sa pamumuno ni Mayor Hon. Elvino B. Balicao upang pag-usapan ang mga epektibong hakbang na gagawin para sa mga apektadong kababayan.

Sama-sama tayong magka-isa at magtulungan upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng bawat isa. Kasama niyo ako sa pagbangon at sisiguraduhing ipagpapatuloy ko ang tapat at may malasakit na serbisyo para sa isang mas ligtas at mas matatag na Bangsa Ranaw.